wala lang..gusto ko lang..matagal na kasi akong hindi nagpopost ng gawa ko..puro repost lang lahat, mga ninakaw sa kung kani-kaninong blog tas ipopost dito, pero may credit din naman sa huli..ang kaso nga lang, nakakalimutan ko kung san ko nakuha...patawad kung ganun..
masyadong random tong post na to, at tinatype ko kung ano yung gusto kong itype...walang theme...basta nagtatype ako..gusto kong magpost...
summer na..well, hindi naman obvious eh no? tagal ng summer..matagal ng mainit...matagal din ang tag-init...ang malamang, ang abril at mayo e, paumanhin sa pagwawangis, para sigurong impyerno ang klima, kahit na di pa naman ako nakakapunta doon...siguro sa future? wag, BV...hahaha..:)
dalawang linggo lang ang bakasyon namin, gatas naman oh...duty na naman ako buong summer...ayoko ng magduty..promise..ayoko na atang magnursing e? bakit ganun...hindi ko pa din siya ma-appreciate? at habang papalapit na akong magtapos, kung papalarin, sa kursong to, bakit...parang...ayoko na? bakit parang...ramdam ko, hindi ko talaga ma-imagine, na isang araw, nasa ospital ako, nagtatrabaho, kaharap ang pasyente at kung anu-ano pa...bakit ganun? gusto ko mang kumawala sa akademyang naging aking tahanan sa tatlong taon, ayoko namang masayang...gusto kong umalis...oo...pero pag-alis ko...ano ba namang kahihinatnan ko? kukuhanin ko ang kursong parang sa tingin ko e ikasasaya ko at gusto ko? pero ang tanong...ano yun? hindi ko alam...kung ano...wala ata akong patutunguhan...parang nasa kawalan ata ako...hindi naman sa parang sumusuko na ako....feeling ko e, parang patapon na buhay ko...isang taon na lang...oo, isang taon na lang...at welcome-to-the-reality na ang drama ko at ng mga ka-batch ko...hindi pa ako handa...sabihin man na nating may pagka-pessimist ang approach, sa tingin ko, sa performance ko ngayon...hindi ako papasa niyan para sa board exam...at malamang...doon...doon ko siguro mararamdaman yung disappointment sakin ng parents ko...pagdating sa academics, wala silang problema sakin...pero, ewan ko na lang pagdating sa pagsusulit na to...at...parang...masyado na atang personal tong nilahad ko...ngayon ko lang narealize...
Hindi ko alam...bakit parang down pa din ako sa mga nakalipas na linggo? hindi ko alam...talaga...promise...parang..ewan ako...ewan talaga...kailangan ko ata ng makakausap at tama na ang kakalaro ng the sims at naaadik na naman ako?
wala sila ama at ina, nasa baguio sila..at ang saya-saya..may allowance ako for the whole week..ang ganda sana..ang kaso, bukas na sila uuwi...at baka bawiin pa yun..kailangang mag-isip ng idadahilan...para...di mabawi yung allowance....at kailangang magconspire kay ina...hahahaha..
err..the end.:)
No comments:
Post a Comment