Naka-receive ka na ba ng ganitong text, o di kaya, ganito ka mag-text?
eoW P0wh p0wHzz jejejeje
Ang tawag sa kanila ay Jejemon. Hindi ko tanda kung kailan nagsimulang tawagin ang mga ganyang magtext na jejemon, pero sigurado ako--dati pa sila nag-eexist, ngayon lang nagkaroon ng tawag sa kanila. Nako, High School days ko? Nung naka-receive ako ng "Ajejeje" hindi ko na-gets kung ano yung ajejeje na yan. Binasa ko siya ng literal na Jejeje...anak ng, HUH? Jeje? nung pina-clarify ko kung ano yung Jeje, ahh..HEHE pala yun..HEHEHE..so yun na pala ang trend na tawa nung panahon na yun? (kung hindi ako nagkakamali e, 2nd yr. High School ako nun--wala lang, share) at isa pa, tinawag pa ako ng nanay ko para lang ipabas sa akin yung text ng estudyante niya, hindi ko din naintindihan nung una, pero sa masinsinang pagbasa, napa-AH, yun pala yung sinabi niya? (wala din lang, share lang..)
Aminado ako na hindi ako ginaganahang mag-reply sa ganitong magtext:
Kamote naman kasi..Pwede naman kasing simple na lang yung text diba? Maiintindihan ko pa kung papaikliin mo yung words, kasi ako, aminado akong tamad akong magtext, pinapaiklian ko message ko. Pero yung pahabain at dagdagan ng alpabeto yung orihinal na salita sa isang salita na hindi mo alam kung hihikain ka ba o ano? ewan ko, Bakit kasi kailangang gawing komplikado ang lahat kung pwede naman kasing simple na lang e?
Sabi nila, madidistinguish mo ang mga Jejemons sa way ng pananamit nila...nanjan ang jejecaps (yung cap na net na may iba't ibang kulay--yellow, red, pink, at kung anu-ano pa) , sobrang luwang na t-shirts, gangsta kumbaga, nanjan din yung iba't ibang hand gestures na hindi ko maintindihan kung ano ba naman kasi sense nun?
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgVq3efWWKEyGN9YuDcfBgu62bImIa2SYdmu8d3k6kzYMfQQYvp7iKiEdBIYxsJZ7ePvzAlerjYWeBVqVFxsJcHAVT8FnaPY1570D4442u_-sokzXkLmHxjW7U8Npssww8pYbT2y6YmihzW/s400/32230_1288578063085_1489201498_30671976_4323399_n.jpg)
Ang mga Jejemon ay parang AH1N1, pandemic sila. Pandemic? hindi lang sa Pilipinas meron niyan, meron din yan sa ibang sulok ng mundo, nagpaparami, parang inahing baboy. Pero ayon sa Urban dictionary, eto ang definition nila:
JEJEMON:
1) Usually seen around social networking sites such as Friendster and Multiply, jejemons are individuals with low IQs who spread around their idiocy on the web by tYpFing LyK diZS jejejeje, making all people viewing their profile raise their eyebrows out of annoyance. Normal people likeyou and me must take a Bachelor of Arts in Jejetyping in order to understand said individuals, as deciphering their text would cause a lot of frustration and hair pulling.
CAUTION: THESE INDIVIDUALS ARE BREEDING! THEY CAN BE SEEN WRECKING GRAMMATICAL HAVOC ON FACEBOOK TOO!
2) Jejemons are not just confined to trying-hard Filipino gangsters and emos. A Jejemon can also include a variety of Latino-Hispanic fags who enjoy typing "jejejejeje" in a wider context, much to the disdain of their opponents in an internet MMORPG game such as Ragnarok and DOTA.
3) Basically anyone with a low tolerance in correct punctuation, syntax and grammar. Jejemons are usually hated or hunted down byJejebusters or the grammar nazi to eradicate their grammatical ways.
On AIM or YM:
miSzMaldiTahh111: EoW pFuOh!
You: Huh?
miszMaldiTahh111: i LLyK tO knOw moR3 bOut u, PwfoH. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!
You: You are a jejemon! Don't talk to me, you uneducated retard!
miszMaldiTahh111: T_T
2. Jejemon
- a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh..
whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS JEJEMON.
- (noun or adj.)---a person who is very expert in typing..
- a person that nevr gets tired of typing consonants in all of his comments...
- people with very LOW IQ
- a person that destroys the morale of language in any typing media like internet,cellphones...etc...
- a person you want to fuck off and kill
- an emo/gangster who owns all the possible negative qualities of a person.
- is the derrogative term used for a certain categorized kind of people.They type JEJEJE or JEJEJE when they want to express laughing in written words, which happen more than often. This is why we call them jejes.
JEJE-Similar to hehehe but more like a naughty chuckle coming from the back of your throat.
For instance, used while plotting an evil plan.
EX. 1. I'm going to make that guy look like such a zaris..JEJEJE
ex. 2. "omg! my sister farted" jejeje
ex. 3. 3Ohw phOwh eVeR1yBhOodY! jejeje!
ex. 4. pFroUwd 2 b @ jEJ3mOn!
WHAT ARE THE SIGNS OF JEJEMON PEOPLE?
Sign that it is a jeje you are dealing with is that he (they are most commonly masculine) seems to have low intelligence.
This is because
1. they can not express themselves in the English language as good as an average person
2. it seems that their kind is simply dumber.
3. Their names are also often begun with "El" then followed with a random spanish or portuguese word.
4. they put too much letters and symbols in everyword they say even in their god damn NAMES or ALYASES.
Ayon naman sa Wikipedia, eto ang definition nila:
Jejemon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Jejemon is a pop culture phenomenon in the Philippines. A Jejemon is defined by Urban Dictionary as "who has managed to subvert the English language to the point of incomprehensibility and online lynch squads." A Jejemon is described as a "new breed of hipsters who have developed not only their own language and written text but also their own sub-culture and fashion."
Etymology
The word "Jejemon" either supposedly originated from online users' penchant to type in "hehehe" as "jejeje", supposedly because the letters "h" and "j" are beside each other, or that "Jeje" is derived from Spanish, whose speakers denote the interjection as laughter, and that it is appended by "-mon" that came from the Japanese animé Pokémon, with "-mon" meant as "monster," hence "jeje monsters."
Origins
The origins of short-handed typing was through the short messaging service, in which each text message is limited to 160 characters. As a result, an "SMS language" developed in which words were shortened in order to fit the 160-character limit.
In the internet, the Jejemon phenomenon started in "early April." On April 14, 2010 at Pinoy Tumblr, a post about vice presidential candidateJejomar Binay indicating that he was the Jejemon's preferred vice presidential candidate, complete with a fake poster with him called as "Jejemon Binay." Later the use of word "Jejemon" to refer such people made rounds in various Filipino internet message boards.
Such short-handed language is not limited to Filipinos: Thais use "5555" to denote "hahahaha," since the number 5 in Thai language translate to "ha."
Demographics
The Jejemons are said to be the new "jologs", a term used for Filipinos of the lower income class. However, Jejemons are not of inferior intellect, nor are they "jologs" at all, for they exist in exclusive schools and science high schools. The parameters of being classified as a Jejemon are still unclear, and how the different "levels" of "Jejemonism" are reached, although there are named levels such as "mild," "moderate" and "severe" or "terminal."
Jejenese and Jejebet
The language of the Jejemons, called Jejenese, is derived from English, Filipino and their code-switched variant Taglish. Their alphabet, Jejebet, uses the Roman alphabet, including the Arabic numerals and other special characters. Words are created by rearranged letters in a word,alternating capitalization, over-usage of the letters H, X or Z and mixture of numeric characters and our normal alphabet.[2]
Examples:
Filipino: "Eow PowZ, mUsZtAh nHa?" translated into Filipino as "Hello po, kamusta na?, translated into English as "Hello, how are you?"
English: "i LLyK tO knOw moR3 bOut u, PwfoH. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!" translated into English as "I like to know more about you, care to tell me your name? Hehehehe!"
Reaction
Initial reaction to the Jejemons is irritation and bewilderment. Jejemons are likely to encounter hate; some had seen their Facebook wall with people wishing their death. Several Facebook fan pages were created both in support and against the group. However, celebrities such as Rico Blanco, Alessandra de Rossi and Ces Drilon have condemned the wholesale ridicule of the group.
YouTube videos were also uploaded parodying the Jejemons, connecting them to the current election campaign. Edited television advertisements of Nacionalista Party proclaiming their disdain for Jejemons, and an edited Gilberto Teodoro photograph with him holding a sign saying that the Jejemons be brought back to school went viral.
The phenomenon has merited news reports in GMA's Saksi and 24 Oras.
Biglang sikat ang "jejemons" hindi lang sa mga social networking sites sila napaguusapan, naging top-searched sila sa yahoo, at minsang nag-trend sa twitter, naisulat sa mga peryodiko, nabalita sa mga telebisyon at maging ang mga artista ay may opinyon hinggil dito..at oo nga pala, pati din si Kuya, ng Pinoy big brother e may ganitong task (at kung ano yung task na yun, wag mo kong tanungin, hindi ko din alam, napanood ko lang sa patalastas..) Makikisali ako sa bandwagon at ako'y maglalahad ng aking masasabi ukol dito, ayoko man sanang sumunod sa kung ano ang trend ngayon, gusto ko lang sabihin ang POV ko..(at ang dami ko pang sat-sat..tssss..)
Kung bakit naisipan kong mag-post tungkol sa kanila, eto ang dahilan:
Linggo ng tanghali, oras ng paggising ko (ganun ako oras ng gising ko, literal na tanghali..jejeje..ay..hehe pala..XD) nagbago ang kalimitang ginagawa ko paggising, usually bukas ako agad ng computer pag ganyan at mag-internet maghapon magdamag, pero dahil sa walang internet sa bahay, binuksan ko ang telebisyon at pinanood ang pang-tanghaling palabas tuwing linggo. Sakto pagbukas ko, may hawak-hawak silang papel, mga salitang pag unang tingin eh, hindi mo maiintindihan, bagkus magbibigay ka ng ilang segundo para ma-process ng utak mo kung ano ba naman yung ibig iparating nila. At ayun nga, pinag-uusapan nila ang mga Jejemons, at ewan, ang dating sa akin e, para silang kinakawawa.
Ang akin lang, oo, hindi man ako sang-ayon sa mga nakakalokong istilo ng pagtetext nila, hindi man ako ganung makaintindi at kailangan ng masinsinang pagiinitindi sa gusto nilang sabihin, pero tao pa din naman sila. Pang-alien man yung istilo, pero yung insultuhin yung buong pagkatao nila yung hindi ko sinasang-ayunan sa mga "Jejebusters" hindi man lahat, pero meron, at maging sa mga artistang nakita ko sa telebisyon na pinagtatawanan sila na, kung hindi man yun yung nais nilang iparating, pero ang dating sa akin eh pagtingin sa kanila ng mababa. Yung iinsultuhin ka sa comment page sa facebook na ayaw makipag-usap sayo kasi Jejemon siya? Aw, naaawa naman ako dun. Pare-parehas lang tayong tao, kanya-kanyang trip na nga lang, ang sabi. Yun gusto nila sa buhay e..JEJEJEJE..ay..HEHEHE pala..
Respeto, yun lang. Pero dahil sa kasikatan ng issue na to, may nabasa nga ako sa facebook na dati daw siyang Jejemon, pero naliwanagan at bumalik sa normal na istilo ng text na kaintindi-intindi. Siguro'y darating ang panahon na mawawala na ang mga "jejemons" at "jejebusters" ...magiging peaceful ang lahat. Pero sana nga, gumamit na sila ng tama at normal na istilo ng pagtext, hindi na kailangang pahabain yung word, wala namang masama sa pagsunod sa kung ano yung norms, yung katanggap-tanggap sa paningin ng madlang tao. Masarap man maging unique, maging iba, pero minsan, hindi sa lahat ng pagkakataon eh, maganda yung bago, minsan, kung ano yung luma, yung nakasanayan, yun pa din ang mas nakakabuti. AT MAY AAMININ AKO HABANG TINATYPE KO TO, lasing ako at wala sa ulirat. KAYA WALA KA DAPAT PANIWALAAN SA MGA PINAGSASABI KO!! HAHAHAHAHA..yun lang..isang pagsasayang lang sa oras yung ginawa mo if ever na binasa mo to. Isang walang kwentang perspective ko sa Jejemon issue..
SO ANO..
:)
No comments:
Post a Comment