blabbermouth who nonchalantly discuss anything and everything under the sun--to infinity and beyond..:)
Thursday, April 5, 2012
Post title. Hehehe. Wala akong maisip na title. :)
Matagal-tagal na akong hindi nakakapag-post dito sa blogspot, last na post pa ata eh nung April nung 2011 daw...galing pa sa formspring. Kung yung last text post pa siguro yung tatanungin, hindi ko na rin maalala kung kailan. Mag-post na ko ngayon, wolo long. Kahit walang sense 'to, random lang, sige lang, post lang.
Nga pala, isang taon na akong graduate ng B.S. Narsing ka-blogspot, yep, NURSING. Natapos ko siya. Akalain mo yun? Parang noon lang nagrereklamo ako sa mga ka-chorvahan niya, requirements and all that crap. At oo, rehistradong nars na din pala ako. At ngayon, eto ako--guess what? Guess it. Guess it. Nope, pag nag-reply ka creepy (ang mais ko, wag kang mag-alala aware ako dun) community nars ako...kung saan, SECRET. Hehehe. Bago pa lang ako, sa totoo lang. Walong buwan din akong nga-nga sa bahay mag-mula nung nag-exam ako nung July 2011 NLE (kung ano yung rating ko, wag na. PSSSH.) Sa totoo lang, sa walong buwan na yun, naramdaman ko yung mga frustrations ng mga nurses dito sa Pinas--alam na naman na yung current situation ng mga nurses dito, di'ba? Kahit volunteers, walang slot sa hospital...considering yung issue about volunteerism, eh? Hindi ka makakapasok pag wala kang kilala. Umabot ako sa punto na sumama ako sa job fair--hindi dahil gusto ko na talaga mag-trabaho, kundi para sa experience. Never pa akong nakasabak sa ganun and unfortunately, hindi naman related sa kursong natapos ko yung mga job offers, may ideya ka na naman siguro kung ano yung tipikal na industry sa mga ganitong job fairs, noh? Although pumunta pa din ako sa interviews and ek-ek, pero sabi ko nga, at uulitin ko: pumunta ako para sa experience, hindi sa job offer. Ayaw ko din naman kasi masayang yung apat na taon na ginugol ko sa eskwela at tatlong buwan na crash course sa review center...kahit na tempting yung sahod, pero hindi pa naman talaga ako desperado, na-pe-pressure lang ako, siyempre, isang taon na akong graduate, magiging palamunin pa din ba ako? May mga choices naman ako, pwede naman akong mag-aral ulit pag nagkataon...pero, bakit hindi ko muna subukan yung natapos ko then decide? Pero dahil nga slim na yung chances na makakapasok ako bilang nurse, nagbabalak akong bumalik ng eskwela ulit, kahit na alam kong kailangan ko na mag-seryoso ng bongga dun kasi hindi pwede yung pa-wala-wala dun. Kung ano yun, hehehe, secret ulit. Fortunately, na-inform ako about sa program ng DOH na mag-e-exam ako...and days later, voila! Nasa orientation na ako para doon. At ngayon, semana santa kaya walang pasok. Hehehe.
Bagong chapter naman ulit ng life, working girl na ako, eh? Haha. Sana masaya, sana marami akong matutunan at sana...di ganung karami yung issues, you know? Hindi naman maiiwasan yun, pero sana, hindi ako masangkot sa ganoon. Ang bait kong bata eh. Ang hindi maniwala, konyat! Hay. Grabe. :)
(HAHAHAHA. Na-bobo naman ako ng di oras dito, nagkamali ako ng pindot...dapat sa 'Anything Under The Sun' na blog ko dapat i-po-post, pero sa HAHAHA. Nakalimutan kong tatlo nga pala sila. HAHA. Sige, post ko na din dito. HAHAHA.)
Labels:
boredom strikes,
bum life,
nurse,
nursing,
personal,
pilipinas,
pinoy,
sheilalala,
work
Search
About Me

- ♫♪♥EsEychIAyElEy.EychOeArEy♥♪♫
- I'm just an individual wandering around. .searching what I truly want. .looking for something that will make my life meaningful. .and waiting for someone that doesn't exist. .awwwwoooooooo. .:D
Labels
Blog Archive
-
▼
2012
(22)
-
▼
April
(22)
- Are you scared of heights?
- In the morning: tea, coffee or juice?
- Are you friends with your neighbors?
- If you could read one book for your entire life, w...
- Do your socks always match?
- Who knows you best?
- Where is your favorite place to relax?
- What's your favorite online game, FB game, mobile ...
- If you had a free day with no work and no school, ...
- What's the last thing you bought? Was it for you o...
- Do you fall asleep easily?
- Long hair or short hair?
- Can you have more than 1 best friend?
- Waffles or pancakes?
- How many rings before you answer the phone?
- Would you rather take a picture or have your pictu...
- Front, middle or back of the movie theater?
- Are you tidy or messy?
- What tune gets stuck in your head?
- How do you relax?
- Is it hard for you to admit when you're wrong?
- Post title. Hehehe. Wala akong maisip na title. :)
-
▼
April
(22)
No comments:
Post a Comment