- SINO BA NAMAN HINDI NANUNOOD NG MGA PALABAS SA TELEBISYON E? Malamang sa malamang, lahat naman siguro e? PERO bago ang lahat, BELATED MERRY CHRISTMAS, and ADVANCE HAPPY NEW YEAR!
- Naging parte na ang telebisyon sa pang-araw-araw na routine ng bawat tao magmula ng ito'y naimbento (wala ako sa mood na i-research kung sino at kung kailan naimbeto yan..) dito, naging mas nakakalap ng impromasyon at tao, hindi lang sa kanyang naririnig kundi maging sa kanyang nakikita. Natutong makisimpatya at magalit sa mga taong nasa 4-sided box na nakasaksak sa isang oulet ng kuryente. Nagsilbi itong, hindi lamang bilang isang libangan, pampalipas oras o ano pa man kundi isa itong medium na nagkokonekta sa pagcocomunicate ng mga nais i-express. At sa pagitan ng mga bawat palabas, nanjan ang mga patalastas.
- Seeing a murder on television... can help work off one's antagonisms. And if you haven't any antagonisms, the commercials will give you some- Alfred Hitchcock (1899 - 1980)
- sa taong 2009...ito yung naging paborito kong patalastas. sa lahat ng nakita ko, ito yung pinaka-naapreciate ko, at ewan ko, kapag ka nakikita ko ito, hindi ko maiwasang malungkot sa sinapit ng lalaki dito. Ang ganda pa ng kanta, sumakto pa sa tema at nandoon ang parang nostalgia sa tuwing nakikita ko ito. Nakakawiling panoorin ang mga commercial. Sa likod n g mga konsepto nito, ay ang mga malikhaing mga tao na nag-isip kung paano magbibigay ng marka sa mga tao sa ilang segundong pag-ere nito sa telebisyon. Kung ang iba'y nayayamot sa mga commercial na ito at isang interruption sa palabas na kanilang inaabangan, siguro sa akin hindi. Isa itong estratehiya, karamihan sa business para matangkilik ang produktong kanilang pinapa-endorso sa mga kilalang personalidad. Epektibong pang-atrak na atensyon ang patalastas...at dahil malapit na ang 2010 elections, samu't sari na ang mga political ad na ipinapalabas sa telebisyon. Malamang sa malamang ay napansin mo na din iyon no?
- Wala pa akong bet para sa kakanditong kung anik-anik na posisyon sa gobyerno. Basta, isa akong rehistradong botante. At magdedesisyon na lang kapag ka malapit na ang eleksyon...pati ba naman sa pagboto e nagkacram? Pero sa mga jingles na pinapalabas na ngayon...may dalawang patalastas lang naman akong hindi nagustuhan so far. Yung may mga batang kumakanta na yung politiko daw na iyon ay ang tunay na mahirap, at yung isa naman ay may pinapatayo kung sino naman daw yung natulungan ng tatakbong ito. Nakow, ewan ko na lang...sabihin na nating ang bias ko, pero anak ng...kung sino man yung nakaisip ng konseptong yun sa 'tunay na mahirap' tigilan mo ako---sabihin na nating galing siya sa pagiging mahirap, anak ng teteng naman o..e palakihan na lang ng income statement sa senado? Napakalaking kasinungalingan naman iyon...bakit hindi na lang magpakatotoo e? Okay pa siguro yung isa niyang commercial na yung bandang kumanta e may anim daw na cycle sa utak. At sa dami ng komersyal niya...yung ba ang tunay na mahirap? Pero, magulang ko, bet yung politikong yun. Pero ako...hindi..okay naman sana yung nagpatayo sa mga natulungan niya...Nandoon ang pagiging totoo niya, ang kaso lang, napakahambog naman iyon. Nakaka-irita lang na makita na binibilang niya yung mga taong natulungan niya. Bakit kailangang bilangin mo ang mga naitulong mo? Hindi ko lang sigurado, pero ang sabi'y hindi na daw tatakbo iyon. Meron namang mga patalastas na naawa na lang ako. Trying hard, papunta pa lang daw sila, siya daw e babalik na daw. Hay nako...Nalilito na tuloy ako sa konstitusyon natin ngayon. Buti nakapag-file siya?
- Nawiwindang ako sa mga napapanood ko ngayon. Pero ang sabi e natatalo na ng internet ang telebisyon. Kasi pwede na naman kasing tumutok na lang sa harapan ng monitor at hintayin na lang ang pag-buff ng mga palabas na sinusubaybayan. Kung dati, the video killed the radio star..baka may kantang lumabas na youtube star killed the television star. Pero sa lakas ng hatak ng telebisyon, nanatili pa din makapangyarihan ito sa ngayon.Ewan ko na lang sa mga susunod na panahon. Tumataas man na ang taong dumidepende na lang sa mga impormasyon sa internet. Napag-iwanan na daw ng panahon ang mga peryodiko, radyo..at baka sa future ang telebisyon dahil lumalakas ang internet. (Tamo ako, dito na naglagay ng P.O.V ko ukol dito...pwede namang sa papel..hehe..) Pero may mga bagay talagang hayaan na lang na ganyan, kaso may pangontra, hindi maiiwasan ang pagbabago...oo nga naman..at hindi ko na alam kung may sense ba pinagsasabi ko..haha..:)
- Television is the first truly democratic culture - the first culture available to everybody and entirely governed by what the people want. The most terrifying thing is what people do want- Clive Barnes
blabbermouth who nonchalantly discuss anything and everything under the sun--to infinity and beyond..:)
Monday, December 28, 2009
Jingle bells..jingle bells..
Search
About Me
![My photo](http://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjBn8lMQ8Z1zV87Aje5E1PfPkWl-Pjdo40FHND4wig4nqoxaMa2zK7xPqCzAz7o69LSW2mpUXSt6OXryKIpub3Oc3PxjFV_NjT69ofnzIrilto2ZN7LKxdrrDivrdSWtQ/s220/Image2505-002.jpg)
- ♫♪♥EsEychIAyElEy.EychOeArEy♥♪♫
- I'm just an individual wandering around. .searching what I truly want. .looking for something that will make my life meaningful. .and waiting for someone that doesn't exist. .awwwwoooooooo. .:D
No comments:
Post a Comment