Matagal-tagal na kong hindi nakakagawa ng blog, sobrang sabaw, sabog, pagod na kasi utak ko sa lintik na eskwelang yan na hindi mo alam kung gusto ka ba talagang ibagsak o ipasa sa sobrang pahirap na ginagawa niya sa mga estudyante na tulad ko at maging ang pagsulat ay hindi ko na magawa. Nilamon na kasi ako ng pagod kakagamit ng utak kong nangangailangan na ng break sa pag aaral-aralan niya kahit sa totoo naman ay parang hindi naman talaga nag-aaral kasi walang pumapasok sa utak ko kahit anong sabi ko na mag-aaral na ako ng mabuti, wala kasing motivation—parang gusto ko na ngang lumayas, at nagsasawa na ko sa paulit-ulit na ginagawa—pasok sa school, kuhain yung libro at kwaderno, magsulat-sulatan, makinig-kinigan, makipagtitigan sa guro, humikab, makipagdaldalan sa katabi, kumain sa canteen, masalubong si kras na lagi naman akong hanggang tingin lang, magreklamo sa ni-lecture di kaya sa professor, babalik sa classroom, kuhain yung libro at kwaderno, magsulat-sulatan, makinig-kinigan, makipagtitigan sa guro, humikab, makipagdaldalan sa katabi ulit at magulantang kapag sinabi na may quiz, mag last minute na review at magdiwang kapag sinabi na walang quiz, di kaya kinabukasan na at uwianna. Pero mapapagod pa din kasi magrereview-reviewhan, hindi sa gabi, pero sa umaga—tinamad kasing magreview ng gabi at mas pinili na lang na matulog ng dire-diretso hanggang mag-umaga…pero kapag nagising sa kalagitnaan ng gabi e kakain, pero hindi pa din magrereview, magbabasa ng kung anu-anong babasahin at hindi babasahin yung dapat na basahin. At kinabukasan uulitin ulit yun…at nakakapagod na. At dahil bakasyon na sa wakas—makakapagbreak na din si utak ngayon, hindi na sobrang magagamit na hahantong sa cerebral diarrhea dahil masyadong na overwhelm sa mga impormasyong kanyang nililikom. SALAMAT SA PASKO AT BAGONG TAON at chill mode drama ko at wala ng katuturan mga pinagsasabi ko…hahaha..:)
Gumising ako ng umaga na nakabaluktot yung tuhod sa lamig. Medyo makapal-kapal na kumot ko nun, nilalamig pa din ako. Tas bigla kong natanto—ang sakit pala ng katawan ko, oo nga pala, nag-swimming kasi ako kasama ang former section ko, medyo nakakalungkot, ang konte lang kasi namin, hindi katulad last year na medyo kompleto kami. Tas kamusta naman nung anong oras na nagsidatingan yung iba? Narinig ko kapatid ko na tinawag ako. Anak ng, parang nung gabi lang e nag-away kami nito a? Gumising ako….binuksan yung computer at kinain muli ni facebook, ni Friendster, ni twitter at ng kung anong site na papanonooran ko ng latest na episode ng series na sinusubaybayan ko. Maya-maya, tinawag ako, inutusan akong bumili ng pang-gisa saka dairy cream. Ayos to a, utusan? Lumabas ako at pumunta sa pinaka-malapit na bakery samin para bilhin yung dairy cream. Nakita ko yung isa sa mga tindero, naka-barong. Na-amuse ako ng tahimik—akalain mong bagay pala sa bading yung barong? Ikakasal kasi yung younger sister niya sa araw ding yun; ninong at ninang nga nanay at tatay ko dun e. Kung hindi ako nagkakamali e kaedaran ko lang yung ikakasal. Nagulat na lang ako nung nakita ko yung invitation sa bahay.
“Ate, pabili po ng dairy cream…”
“ay, wala kaming dairy cream...”
Amp, punta naman sa ibang tindahan.
“Ate, pabili po ng dairy cream…”
“ay, wala kaming dairy cream...”
Tss…ano ba yan…lakad ulit, mga tatlong kanto layo sa amin
“Ate, pabili po ng dairy cream…”
“ay, wala kaming dairy cream...”
Bwisit..naman..sabi ko kahit margarine na lang…sabi din, wala. Ano ba yan…
“Bili ka na lang sa may bakery dun banda sa dulo…meron dun…” sabi nung tindera, kilala ko to…isa to sa mga friendly kapitbahay namin na mabait sa akin nung maliit pa ako…hanggang ngayon naman e maliit pa din ako, maliit yung height…hahahahahaha…
“eh ate, layo…”
“okay lang yan, exercise yan…”
Sige na nga, mas gusto ko dairy cream sa hotcake...may maple syrup pa..yum-yum…sarap ng agahan ko….pero hindi ako nabubusog sa hotcake—maka-kanin pa din ako, parang yung hotcake e panghimagas ko lang.
Ito yung araw na after ilang years...para lang bumili ng dalawang bagay na yun, e napalayo ako ng ilang kanto magmula sa bahay namin. Ganun ako katamad na bata...hindi naman kasi ako agad mauutusan...wala lang kasi yung kasama namin sa bahay ngayon...nasa ibang lugar siya at dun yung duty niya. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko yung mga dating kalaro ko—mga dating dugyuting mga bata na may uhog-uhog na minsan nakayapak noon, ngayon mga naka-earphone at parang hindi na ata ako tanda ? Tiningnan ko lang siya...pambihira, nasa labas na nga lang ng bahay e naka-earphone pa...at pambihira naman ako, sino ba naman ako para magreklamo ? Trip niya yun, kanya-kanya na lang trip...ako nga e wala siyang ka-alam-alam, nasali siya sa blog ko na hanggang ngayon hindi ko pa din maisip kung ano ba tema nito. Nakakagulat na umabot ako ng dalawang pahina sa MS word (hindi ko kasi agad nilalagay to sa blog...wala lang..trip...gusto ko muna sa word...) madami akong nakitang mga pamilyar na mukha—dati to baboy, ngayon maskulado na...dati to mahiyain, ngayon may anak na...dati to uhugin, ngayon gwapo na...e dati ako salbahe...ngayon...parang mas naging salbahe ata ? hahaha..
Nadaanan ko bahay ng former kras ko na alam ko lang talaga e yung first name niya at alam ko na sakristan siya dati kaya ako nagsisimba...ang bad ng intensyon ko noon...amp..anak ng, dati pag nadadaan ako dito ‘doki-doki’ lagi drama ko...dugudugdugdugudug...seryoso...ngayon, wala na...pero umasa ako na makita ko siya...pero kapag ka nga naman hinahanap mo, ang sabi nga, hindi mo talaga siya makikita. Sadista si pagkakataon e, ayaw niya talaga...tipong dapat hindi mo aakalain para may thrill...kaso minsan nakakabugnot din si destiny no ? expect the unexpected..taray...pero wouldn’t be that ‘unexpected’ be expected since nasabi na nga na asahan mo na magkakaroon ng hindi natin inaasahan ? Nakita ko din yung bahay ng kababata ko noon na anak ng teacher ko nung elementary ako na ginawa akong model student noon. Naging mag-friendship kami nun at naging friend ko nga sa facebook e. Da-daan sana ako dun…kaso ewan ko ba, bat biglang nagbago isip ko at nag-iba ruta ko at dumaan sa kanto bago nun.
Nakarating ako sa pupuntahan ko…bwisit, ang sungit ng tindera…pero atlis yung pinabibili sa akin, mabibili ko dun.
At habang pabalik ako sa bahay namin, nakita ko ulit sila. Ito yung mga taong naging parte ng pagkabata ko. Sila yung mga kasama ko sa paglalaro, sa away bata na mamaya-maya magiging kabati na din, mga lessons na natutunan namin sa isa’t isa. Nakita ko yung mga matatandang lalong tumanda ngayon na dati pinapagalitan kami pag maingay kami, na makiki-epal kapag ka may nag-aaway sa amin, na makikitawa sa mga biro namin, na mag-eencourage sayo na gawin mo yung tama…pero yung iba talaga pa-epal lang…hahaha…para nga akong pulitiko nung nakakasalubong ko sila…super flash ng smile…sign of recognition and respect na lang…at nakita yung mga bata na hindi man ganung kapamilyar sakin, dati yan kami noon—naglalaro sa daan, hinahayaan na madumihan sa putik mga damit-damit namin, tumatawa ng walang pag-aaalala para sa kinabukasan at ang tanging mundo lang ay ang paglalaro. Pero, hindi man na ako bata tulad noon, marami pa akong mga dapat na matutunan…hindi pa sapat yung mga natutunan ko sa eskwela…at dapat na magpursige ako sa pag-aaral kahit na nararamdaman ko na ang katamaran sa paligid, magagamit ko naman to para sa kinabukasan ko…at kahit na nakakasawa ang paulit-ulit na pag-aaral…kailangan ko to…marami pa akong dapat na matutunan maging sa labas ng eskwelahan. Magulantang man ako sa mga kababata ko na maririnig ko na lang, may anak na, magpapakasal na, nasangkot sa ganito, sa ganyan…at kahit na nalaman kong expired na pala yung maple syrup na nasa ref na nilagay ko pa sa hotcake ko, kaya pala medyo nanakit yung tiyan ko, busog naman kasi may kanin..hahaha...iba-iba man yung mga trip ng mga kapwa kong kabataaan ngayon, kanya-kanyang trip na lang yan…bakit, akala mo may sense sasabihin ko no? Pero ang sabi nga ng mga matatandang hindi tanggap na nauungusan na sila ng mas bata sa kanila (parang yung talk na inatenan ko kailan lang, sabi nila na mas mahirap mag-aral noon—wala kasing internet, computer…samantalang ngayon, madadaya yung iba, yung mga NCP nila, drug study, case study e galing na lang sa pinakamamahal na internet…e pahirap naman kasi sa buhay yan e…bakit kasi gawin pang komplikado ang lahat kung pwede na lang simple na lang e?) MADAMI KA PANG BIGAS NA KAKAININ…madami pa nga akong kakaining bigas diba? Pero sana wag lang magkaroon ulit ng shortage..haha..mahirap na..:)
No comments:
Post a Comment